Top 3 na Pinakaaffordable Sun Life Insurance Products

Bago natin isaisahin ang pinakamurang products ni Sun Life, alam in muna natin kung anu ano ba ang mga nakakaapekto at bakit iba iba ang presyong binibigay sayo ng financial advisor mo?

1. Age

Bakit depende sa age o edad? Alam naman natin na ang mga bata ay malusog at malakas pa kumpara sa mga may edad 50 pataas na medyo humihina na, mas madami at mas madalas ng may sakit. Kung titingnan natin sa point of view ng company, lugi naman sila kung puro matatanda ang mag aapply at palaging mag cclaim. Plus, may medical exam pa para sa mga edad 50 -59 at automatic yun. Ganun din sa edad 60 pataas, may mga dagdag na tests gaya ng dipstick test. So far, sa mga nag medical exam na clients ko, wala pa namang nagbayad. Maliban na lang kung ang test mo ay nirecommend na ng iyong doctor, sarili nang bayad yun. 

Kaya wag natin ikukumpara yung binabayaran nating hulog kung mas bata sayo yung pinagkukumparahan mo ng hulog.

2. Gender

Depende sa gender o kasarian, bakit nga ba? Ayun sa pag aaral, ang mga lalaki ay kayang mabuhay hanggang sa 76 taong gulang at ang mga babae naman ay kayang mabuhay hanggang 81 taong gulang depende sa klase ng pamumuhay. Eto daw ay dahil sa biological at social differences ayun kay www.voanews.com 

Wag ng mag taka mga boys kung mas mura yung hulog ng girlfriend, asawa o kaibigan mo kaysa sayo lalo na kung magka edad lang pa kayo dahil mas mahal ang hulog ng mga lalaki kumpara sa mga babae.

3. Health Status

Pag sinabing health status, eto yung kasalukuyang lagay ng iyong kalusugan. Malusog kaba ngayon? O May iniindang sakit? O may iniinom na medisina? 

Pag sinabing malusog, normal kang namumuhay at walang kahit anong nararamdamang kakaiba o iniindang kirot. Pag hindi ka pasok sa malusog, pwede ka padin namang sumubok mag apply pero may madadagdag na premium sa babayaran mo o tatawagin kang “rated”. Hindi naman kalakihan yung idadagdag so wag matakot. Hindi din ako makabigay ng exact na rates kasi depende yun sa underwriters na nagrereview ng application.

Maaari kang maapprove ng may dagdag na bayad o maaari din namang may hindi isama sa benefits mo. For example, may critical illness benefit ka at kasama sana doon yung breast cancer coverage, pero dahil may malignant cyst ka sa breast part, iexclude ni company yung benefit na yun. 

Lahat naman eto ay subject for your approval so wag mag aalala na hindi ka mainform ni advisor.

4. Lifestyle

Paano ka ba mamuhay? Madalas ka bang manigarilyo o uminom ng alak? Gaano kadalas? Alam naman natin ang epekto ng mga bagay na to sa ating kalusugan kaya ang pagtangkilik dito ay personal choice din natin. Kaya once na mag apply ka, unti untiin mo na ding alisin sa practice para after a year pwede mo na ipaalis yung “smoker” status mo at mas bumaba ang binabayarang premium next year.

5. Coverage

Baka naman kaya mura yung binabayaran ng kapitbahay mo ay dahil maliit lang ang coverage ng kanya. Ang pinakamababang coverage na allowed ng company depende sa product ay nasa 200k. Ang tanong lang, mababago ba ang buhay mo sa halagang 200k? Kung mababa siguro ang lifestyle, pwede pero paano kung mataas ang pamumuhay mo? Baka barya lang sayo ang ganung halaga. 

Ang company ay kayang magcover ng billions depende sa health status at age ni client kaya kung may budget naman, wag matakot mag apply ng angkop sa kakayahan. Oras na para apply an ang billions of coverage mo! Tanungin lang si advisor.

6. Benefits

Mas lalong wag mo icomcompare yung hulog ni mars sa hulog mo kung mas madami ka namang benefits na kinuha. “All benefits comes with a price”. Pero wag mag alala, worth it naman yan at hindi sayang dahil mas nakatipid ka kesa sa kanya. Imagine mo, yung 1M na critical illness benefit pag nagkacancer, magkano mo lang binabayaran at hulugan mo pang kinuha. Samantalang kung mag ka cancer sya, babayaran nya ng buo sa hospital. Ikaw nakuha mo ng buo Kay Sun Life.

Mas mabuti ng handa kaysa nga nga sa mga oras na yun.

7. Product

Para sa article na to, ibibigay ko yung Top 3 na pinakaffordable Sun Life Insurance Products:

Isa sa mga pinakamurang kinuha sa aking product ng client ko ay ang:

3. Sun Safer Life 


*29/F/Non smoker/Healthy

Face amount: 1M; Annual Payment: approx 10k only

Eto ay isa sa mga traditional product ni Sun Life na mura pero makakapagbigay ng pinakamalaking coverage. Ang pinakamababang coverage na pwede apply an ay 1M. Maganda itong kunin ng mga breadwinner na wala pang malaking budget dahil pwede iconvert sa ibang whole life products gaya ng VULs (Variable Unit Linked Insurance) at may endowment benefits (pension-like). Times 2 din face amount ang pwede makuha ng beneficiaries. 

2. Sun Life Assure


*29/F/Non smoker/Healthy

Face amount: 500k ; Annual Payment: approx 5k only

Eto ay isang traditional product ni Sun Life na para sa health. Maganda din itong kunin ng breadwinner na wala pang budget sa kasalukuyan at concern sa kanya ng kalusugan. Covered nito ang 36 major critical illnesses. Pinakamababang coverage: 500k

Disadvantage: Tumataas ang premium habang tumatanda ang policy owner pero maliit lang din naman ang tinataas. 

Tip: Alamin kung kaya ba yung premium katagalan, kung kaya naman kunin at gawing pang matagalang coverage.

1. Sun StartUp 


*29/F/Non smoker/Healthy

Face amount: 200k with other benefits like Total disability and Accidental Death Benefit; 
Annual Payment: approx 4K only

Eto ay isa ding traditional product ni Sun Life. Perfect para makapagsimulang mainsure ng hindi masakit sa bulsa with money back feature pa kung hindi magamit after 10 years. Pinakamababang coverage: 200k. Ano kaya mo ng mag apply?

Conclusion: Ngayong alam nyo na kung bakit mataas ang hinuhulugan mo, next time na magkakwentuhan with friends kayang kaya mo na sagutin kung bakit yung product na yun ang binigay sayo ni advisor 😊



Comments

Popular Posts